Maligayang pagdating sa Tala ng Panahon!
Ako nga pala si Manong Marse, isang mag-aaral at mananaliksik ng mga kaalamang sinauna at masasabi na ring lihim dahil hindi siya kinikilala ng makabagong siyensya na isang agham. Malaagham kung ituring. Kwentong bayan. Mga Pamahiin.
Sa loob ng labintatlong taon ng pananaliksik na ito, napansin kong may pagkakapare-parehas ang mga kwentong bayan ayon sa kosmolohiya ng iba't ibang lahi at kultura.
May mga diyos at mga diyosang bumuo ng mundo at magmula sa mga diyoses na ito, binigyan nila ng kaalaman ang mga tao, gaya ng pagsasaka, panggagamot, paglalayag, pagtatayo ng mga gusali, metalurhiya at iba pa.
Dito sa sinaunang Pilipinas, ganito ang ginawa din ng mga diyos at mga diyosang ito ayon sa paniniwala ng mga iba't ibang katutubo natin. Ang napansin kong pinagkaiba nila sa mga kanluraning diyoses, hindi sila imortal, namamatay sila. Pero sa kanilang kamatayan, nabubuhay ang mga bundok, pananim, mga hayop pati na ang sansinukob.
Maraming mga diyos, mga diyosa, mga diwata, at iba't ibang uri ng nilalang ang pinaniniwalaan ang mga nasa Katagalugan, Kabikulan, Kabisayaan, mga taga Mindanao. Basta't merong tribo, nasa Norte man ito gaya ng Iloko at mga tribong nasa bundok ng Ifugao, Benguet, Sierra Madre o sa iba't ibang isla natin, malawak at masagana ang mga kwentong-bayan natin.
Subalit, pagdating ng mga mananakop, pilit na tinabunan itong mga paniniwala at pamahiin para ipalaganap nila ang kanilang mga adhikaing pangkabuhayan at pulitikal.
Dahil watak-watak ang ating nga pamayanan na likas na hinahati ng mga pagkakapulo-pulo ng ating hiyograpiya, wala tayong nagkakaisang pwersa para pigilan ang mga mananakop.
Isang kahinaan at isang kalakasan ang ating pagkakapulo-pulo. Kahinaan dahil walang iisang adhikain o panuntunan ang mga sinaunang katitibo para harapin ang mga kaaway. Kalakasan naman siya sa kabilang panig, dahil hindi nila tuluyang nasakop ng buo ang bawat isla natin.
Sa mga islang hindi buong nasakop, buhay na buhay magpasahanggang ngayon ang katutubong kultura natin. Hindi nawala ang pagbabatok (pagta-tattoo) na iginagawad sa mga makisig at matapang na mga mandurigma ng sinauna. Hindi din naglaho ang paghabi ng mga katutubong damit, at ang pinakasasalamatan ko sa lahat, ay ang hindi paglaho ng paggamit ng Baybayin (o mas kilala sa maling tawag na Alibata).
May mga grupo ngayon na nagsusulong na ituro ang Baybayin sa mga kabataan. Usong-uso na ulit na tattoo na gamit ang mga makalumang paraan ng pagbabatok. At patok ang mga katutubong habi sa ating mga mananahi at tagapagdisenyo ng mga panamit sa mundo ng moda.
Nasa bugso ngayon ang panunumbalik natin sa ating mga ugat. Minarapat ko na ring halungkatin ang mga kwentong bayan, mga pamahiin, at gamitin ang kaalamang ito sa pagbuo at pagbasa ng mga nakatala sa langit na hindi gumagamit ng kanluranin at banyagang pamamaraan.
Samahan niyo ako sa mahabang lakbaying ito. Mabuhay ang kaisipang Pilipino!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento