Nagsimula ang makabagong kasaysayan ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo, 1946 kung saan ang mga kinatawan ng Estados Unidos at ng Pilipinas ay lumagda sa Kasunduan ng Pangkalahatang Ugnayan ng dalawang gubyerno.
Sa kasunduang ito, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas. Si Manuel Roxas ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Sa takda ng panahon, ang pagkakabuo ng makabagong kasaysayan ng Pilipinas ay nasa Panahon ni Bathala.
Bathala (16) : 1946 - 1962
Kan-laon (19) : 1962 - 1981
Manaul (17) : 1981 - 1998
Minokawa (7) : 1998 - 2005
Dian (20) : 2005 - 2025
Liadlaw (6) : 2025 - 2031
Mayari (10) : 2031 - 2041
Apolaki (7) : 2041 - 2048
Bakunawa (18): 2048 - 2066
Sa mga may Takda ni Bathala, masagana ang simula sa kanyang panahon (Bathala), ika-apat mula sa kanya (Minokawa), ang ikapito (Mayari) at ang ika-walo (Apolaki).
Ang mga masalimot, magulo, mahirap naman na mga panahon sa Takda ni Bathala ay ang ikatlo (Manaul) at ang ika-lima (Dian Masalanta) mula sa kanya.
Napatunayan ito sa ating kasaysayan. Noong panahon ni Bathala nangunguna ang antas ng pangkabuhayan ng Pilipinas sa Asya.
Normal ang panahon ni Kanlaon dahil maraming mga itinayong mga imprastraktura sa panahon na ito. Pero unti-unting bumulusok ang ating ekonomiya sa panahon ni Kanlaon. Ayon sa Family Income at Expenditure Survey (FIES) na ginawa mula 1965 hanggang 1985, tumaas ang insidente ng kahirapan mula 41% noong 1965 hanggang sa 58.9% noong 1985. Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mga Pinoy ang talagang bumaon sa kahirapan.
Naging magulo at masalimuot na ang ating kasaysayan sa mga panahon ni Manaul. Nariyan na ang patayan sa batas-militar. Nariyan na din ang Unang People's Power, at ang mga sunod-sunod na kudeta pagkatapos maitatag ang ika-limang Republika ng Pilipinas. Dumating din ang Krisis sa Pananalapi sa Asya noong 1997, na lubhang nakaapekto sa atin.
Tumatag ulit ang ating ekonomiya sa panahon ni Minokawa. Hanggang sa Kalagitnaan ng panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Noong 2005, lumabas na ang kontrobersiyang "Hello Garci" at nagkaroon na ulit ng mga kaguluhan sa ating lipunan. Hudyat na din ito ng simula ng dalawampung taon sa ilalim ng panahon ni Dian Masalanta. Nakakalahati na tayo sa panahon ni Dian at talagang maliwanag pa sa sikat ng araw ang dulot ng mga kaguluhan sa panahong ito. Nariyan ang 2009 Ampatuan Massacre na 58 katao ang napatay kabilang na ang ilang mga peryodista at mamamahayag sa TV. Nariyan din ang Bagyong Yolanda ng 2013, ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ng daigdig na halos kumitil sa 7,000 katao sa isang iglap. Nariyan din ang (2015) Mamasapano Massacre kung saan 44 na Special Forces ang napatay. Ang 2017 na pagkukob sa Marawi ng ISIS at ang deklarasyon ng Batas Militar. At natural narito din ang walang habas na pagpapatay sa madugong kampanya ng administrasyon kontra droga na Oplan Tokhang.
Sa kabila ng mga ito nariyan ang pagsasaayos ng ating ekonomiya. Itinataguyod ngayon ang Build, Build, Program ng gubyerno. Pero hindi ito matatamasa ng susunod ng takdang panahon, ang panahon ni Liadlaw. Normal ang magiging panahon ni Liadlaw. Pundasyon ito sa mga susunod na salin-lahi ng Pilipinas.
Ang mga mabubuting ginagawa ngayon para sa ating ekonomiya at mga mabubuting kaganapan sa panahon ni Liadlaw, ang magdadala ng kasagaan sa Pilipinas sa panahon ni Mayari (2031-41) at panahon ni Apolaki (2041-48).
Hindi tayong mga presenteng salin-lahi ang makakatamasa ng mga kaunlarang ito. Ang unang makabagong salin-lahi ay ipinanganak noong 1946. Ang ikalawang salin-lahi ay ipinanganak noong 1971. Ang ikatlong salin-lahi ay ipinanganak noong 1996. Ang ikaapat na salin-lahi ay ipapanganak pa lang sa 2021 at ang ikalimang salin-lahi ay ipapanganak pa din lang sa 2046. Itong ikaapat at ikalimang salin-lahi ang tunay na magtatamasa ng kasagaan ng Pilipinas na ipinupundar sa ngayon.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento