Nagsimula ang makabagong kasaysayan ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo, 1946 kung saan ang mga kinatawan ng Estados Unidos at ng Pilipinas ay lumagda sa Kasunduan ng Pangkalahatang Ugnayan ng dalawang gubyerno. Sa kasunduang ito, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas. Si Manuel Roxas ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Sa takda ng panahon, ang pagkakabuo ng makabagong kasaysayan ng Pilipinas ay nasa Panahon ni Bathala. Bathala (16) : 1946 - 1962 Kan-laon (19) : 1962 - 1981 Manaul (17) : 1981 - 1998 Minokawa (7) : 1998 - 2005 Dian (20) : 2005 - 2025 Liadlaw (6) : 2025 - 2031 Mayari (10) : 2031 - 2041 Apolaki (7) : 2041 - 2048 Bakunawa (18): 2048 - 2066 Sa mga may Takda ni Bathala, masagana ang simula sa kanyang panahon (Bathala), ika-apat mula sa kanya (Minokawa), ang ikapito (Mayari) at ang ika-walo (Apolaki). Ang mga masalimot, magulo, mahirap naman na mga panahon sa Takda ni Bathala ay ang ikatlo (Manaul) a
Ang konseptong ito ay halaw sa mga taga-India, taga-Sumer, taga-Ehipto at iba pang mga lumang kabihasnan. Ayokong gamitin ang kanilang mga termino dahil ito ay dayuhan, malayo at sumasalamin sa kanilang mga gawi at pananampalataya. Noong unang pinag-aaralan ko ang mga kaisipang ito, napansin kong nakatali sa likas na salita ng lugar ang kultura ng tao. Bagaman, ang mga kaisipan, pagkaunawa, at hangarin ay sumasalamin sa lahat ng pangkat o lahi ng tao, binabakuran at nililimitahan ng mga katutubong kataga ang paggamit ng mga kaisipang ito para sa naturang pangkat ng lahi na nagsasalita nito. Hindi ito masama. Isa itong paraan para maintindihan ng nakakarami at maisapuso ang mga kaisipang ito. Isa din itong paraan ng pag-aangkin ayon sa kultura ng lugar. At kapag tayo ay isang bagong salta, o dayo, sa lugar na iyon, kahit anong ikot ang gawin natin, mananatili tayong isang dayuhan sa pook na 'yon kahit gaano tayo katatas o kagaling magsalita ng kanilang mga wika. Yan ang naramd